Saturday, June 6, 2009

MGA PROGRAMA SA TELEBISYON SA PILIPINAS... BOW!

Pag-uwi ko sa bahay, gusto ko magpahinga, gusto ko mag unwind. Kaya naisipan ko manuod ng t.v. Kaso pagbukas ko ng tv eh tumambad sa akin ang isang telenovela, nilipat ko sa isa ko pang paboritong istasyon, paglipat ko telenovela pa din! Wala na bang alam ang mga istasyon kundi puro telenovela? Hay nakakainis na!

Naalala ko dati ang mga programa na nagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon. Yung mga quiz contests tulad ng "Digital LG Quiz" na pinaghost ni Paolo Bediones. Yung isang programa na tungkol sa iba't ibang paraan ng paghahanapbuhay, ung "Ating Alamin". Buti pa nga sa cable, may Discovery Channel, may History Channel, Animal Planet at marami pang iba. Isipin mo. lahat ba ng may telebisyon sa Pilipinas eh naka-cable?

Ito pa, dahil nakapanuod naman ako dati ng mga telenovela, isang reklamo ko eh kung ihahambing mo ang telenovela ng pinoy sa ibang bansa ay masyadong brutal. Sa atin ang kontrabida eh siyam ata ang buhay, nasunog na, buhay pa, nabaril na, buhay pa, nalaglag na sa building buhay pa. Wow imortal ang mga kontrabidang Pinoy!

Isa pa, sa mga love story ng telenovela, PURO HALIKAN ang nangyayari sa mga love teams??? Hoy! May mga bata kayong manunuod!

Ito pa, puro na lang game shows! Watda&*#@! Hinahayaan na lang ba natin ang mga Pinoy na umasa sa mga game shows para manalo?? Bakit hindi natin sila bigyan ng mga paraan para mapabuti ang buhay?? Mga Livelihood Tips, mga new ways to earn.

Hay ganito na lang ba lagi ang mga programa sa mga telebisyon? Wala na bang alam kundi mga ganto lang?? Kung anu ang IN o USO eh dun na lang tayo? Mag-isip k naman!

Friday, May 29, 2009

BUWISIT SA PAGTULOG

Listahan ng kinaiiritahan bago matulog at tuwing natutulog na, kinaiiritahan ko at malamang kayo din!

Natutulog ka nang biglang tumunog ang alarm clock mo, eh kapipikit mo pa lang.Natutulog ka nang biglang tumunog ang alarm clock ng kasama mo sa kwarto.

Di ka makatulog dahil may naglalampungan na mga pusa sa bubong ng bahay mo.
DI ka makatulog dahil naririnig mo ang lampungan ng kapitbahay mo.

Mahimbing na ang tulog mo kaso nag brown out.
Brown out pero nakatulog ka, nagising ka ng naghiyawan kasi may kuryente na.

Patay ang ilaw ng natutulog ka, biglang dumating kasama mo, nasilaw ka pagbukas ng ilaw.
Dumating ka sa kwarto tpos patay ang ilaw, ang kasama mo nakita mo may ginagawang milagro.

Natutulog ka kaso naghilik bigla ang katabi mo, nagising ka.
Matutulog ka kaso naghihilik na ang katabi mo, hindi ka na makatulog.

Natutulog ka ng hapon nang may biglang dumating na bisita.
Yung dumating na bisita, makikitulog pala.

Natutulog ka nang biglang pagtingin mo sa salamin, may drawing na mukha mo.
Natutulog ka nang biglang may daga o ipis na dadaan sa paa mo. Ew!


Hay sarap matulog!

Wednesday, May 27, 2009

KAPAG MAY LABAN SI PACMAN

Di nyo ba napapansin tuwing may laban si Pacquiao eh ang daming nagbabakasyon na mga pulitiko? Lahat sila papunta dun kung saan siya lalaban. Pwede naman manood sa Pay-per-view, sa internet, o sa TV broadcast na ten years ang tagal bago matapos o kaya hantayin na lang ang replay. Bakit need pa nila pumunta dun?

Eto pa, ang TV station kung saan ibro-broadcast ang laban ni Manny ay walang ginawa kundi magcommercial ng sangkatutak. Nitong huli lang, ang halos dalawang oras na boksing ay umabot ng kalahating araw dahil sa commercial. Laban na ni Pacquiao, papasok sa ring ang kalaban..commercial...si Manny papasok...commercial... National Anthem ng kalaban...commercial...Lupang Hinirang...Commercial...Introduction ng mga boksingero...commercial... Round 1 sa wakas nagsimula na din, pero after ng kada round halos sampung minutong commercial.



Eto pa, eh di nanalo na si Pacman, makikita mu sila isa-isang aakyat sa ring, yayakapin si Manny, i-congratulate, todo exposure sa camera, pinapakita kuno ang suporta. Tapos nun may tatawag na mataas na tao kay Pacman "ehem" makikigulo din sa pagka panalo, suporta daw eh.



Eto pa, nasa Pilipinas na ulit si Pacquiao, andiyan na ang "Hero's Welcome", ang makasaysayang motorcade ni Manny, makikita mu sa sasakyan, si Pacquiao,katabi ang sandamukal na mga pulitiko.. eh hindi naman sila ang nakipag boxing

Kakairita no... kakasawa

Eto muna pampawala ng init ng ULO!


REKLAMADOR NOW ONLINE

Hello! Nagdecide ako na magkaroon naman ng blog na Tagalog. May blog din ako na in English naman Semidoppel's Delight yan ang isang blog ko. Visit nyo din sana yun. Itong new blog ko eh parang kabaliktaran ng nauna ko, sa una kasi is about all my interests, ngayon tungkol naman to sa mga reklamo ko sa buhay... lahat ng reklamo ko. Welcome sa Reklamador!